Huwebes, Setyembre 12, 2013

Wika natin Ang daang matuwid

            
         Be Proud!

               
                Dr. Jose Rizal said, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.” Why do you think he say that? What is the meaning of this?


                Alam natin na ang isang malansang isda at mabahong isda ay nilalayuan. Ito ay katulad ng tao na kapag hindi ang sariling wika natin ang ating gagamitin sa pakikipag usap, nilalayuan tayo sapagkat hindi nila tayo maintindihan. Hindi nila alam ang ating sinasabi. May mga iba kasi na hindi na nila alam gamitin ang sariling wika natin dahil pinapaboran nila ang ibang dialekto na kanilang naririnig at natututunan. Alam natin na may iba't ibang wika tayong ginagamit at kinagisnan sa bawat kapuluan sa ating bansa. Nariyan ang Ilonggo, Cebuano, Waray, Pampanggo, Ilocano at marami pang Iba. Pero gamit ang Wikang Filipino, tayo ay nagkakaisa at nagkakaintindihan. Huwag tularan ang iba na hindi marunong gumamit ng  sariling wika natin sapagkat hindi tayo magkakaisa, magkakaintindihan at uunlad kung hindi natin gagamitin ang sariling wika natin.

                Be proud and use our own language wherever we go and whatever may happen. Be a model to the next generations to use our own Filipino language and don't be ashamed so that success will come to us and we can communicate well to others.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento